top of page

Maligayang Pasko

Malapit na naman ang pasko.

Simple lang naman ang hiling ko: sana wasakin ako ng tite (ulit). Salantain ako na parang bagyong walang hinahon sa (katawan kong) lupa. Yanigin ang pundasyon ng aking pagkababae. Sulutín ang pinakapipitagan kong bulwagan kung saan nakasilid ang aking dangal, dangal na igagawad ko nang walang ángal kung ang sukli nito ay magdamagang ungol.

Gusto kong malasahan (a)ng tigás na sa bulto ay kayang isulat ang buhay ko at biyakin ito sa dalawa. Nakaraan at kinabukasan. Tama at mali. Sakit at sarap.

Ilang araw lamang bago mag-Pasko ang kaarawan ko. Asan na ang kukulintang sa umbok kong batingaw na gawa sa libog? Asan na ang babalibag sa akin at magpapaalala sa grasha ng kapanganakan ng Diyos? Ang ibig kong sabihin, ang kapanganakan ko.

Hanap ko ang burat na lalaro sa tinggil ko’t nanamnam ng aagos na bendisyon. Galingan niya—ituloy niya—at tsaka niya lasapin ang lasa ng kasalanang bintang ni Adan kay Eba. Gusto kong lumuhod siya, sumamba gamit ang kanyang dila, sambitin ang orasyon sa pamamagitan ng maraming posisyon, at matapos pasukin ang Pasko ng laman ko ay magpaputok bilang gunita ng bagong tao(n).

Ang puke ko ang hehele sa hinagpis ng tao. Áko ko ang daigdig. Akó ang daigdig. Ang dami ng nakapasok sa puke ko ay hindi ko ikinakahiya, dahil ang lawak ng butas ko ay nangangahulungang may sapat na espasyo para sa pangako ng tahanan. Ito ang lugar ng purong kaligayahan na pwedeng puntahan nang hindi nililisan ang mundong ibabaw dahil

AKO MISMO ANG LANGIT.

Hindi na ako musmos na nakanganga sa paghihintay ng regalo. Para sa kaarawan kong pasko, ang lupa ay bubuka, maghihintay sa paparating na delubyo.

Related Posts

See All

to those who are left by "friends"

You need to be you when they leave you. It is not that you are not enough, but that you are more than enough. You do not have to run...

from the 5-year bitter wait

My poems span five years from when I loved you while you spin yourself together in a vain attempt for direction. I keep you in words when...

Related Posts

ABOUT THE BLOGGER

IMG_E8998.JPG

Athena Charanne R. Presto is the eldest among three children of a lower-middle-class family who refuses to limit herself. An early-career sociologist, she keeps herself wide-eyed with all the wonders, challenges, and surprises of life. She is a lover of simple things and welcomes insights about her favorite things in the world-- Gabriel García Márquez books, poems, Full Metal Panic, Spanish language, low-tier humor, and validation time after time. Send her love at the linked social media accounts in this blog.

bottom of page