top of page

kung sa Pilipino

MAHIRAP

pang-uri

ibig sabihin:

  1. Tamad ka. Hamo nang kayod nang kayod maghapon-magdamag, basta sabi ng nakaupo, tamad ka.

  2. Ayan na ang pulis, alis, alis, alis diyan sa lupang hindi inyo kahit 'yan ang nilakhan niyo.

  3. Anak, isubsob ang sarili sa trabaho't aral sakaling umalagwa ang buhay. Baka lang naman.

BABAE

pangngalan

ibig sabihin:

  1. Yuko, dapa, tuwad kahit buong laman mo'y umaalma. Tangina ka, ginusto mo 'yan, 'di ba?

  2. Mahirap marinig ang tinig-pepeng sigaw kung utak-titi ang pinapagana.

  3. 'Wag kang hihinde, tanga, kung ayaw mong mabaril sa puke.

LUMALABAN

pandiwa

ibig sabihin:

  1. Sa Malacañang o sa bangketa man tumae, sa huli ay sa pwet pa rin ang labas. Liban kung Presidente ka.

  2. Tigilan na ang pangangayupapa sa nagpapakasasa sa kapangyarihan.

  3. Ang tao. Ang bayan. Ngayon.

Related Posts

See All

Related Posts

ABOUT THE BLOGGER

IMG_E8998.JPG

Athena Charanne R. Presto is the eldest among three children of a lower-middle-class family who refuses to limit herself. An early-career sociologist, she keeps herself wide-eyed with all the wonders, challenges, and surprises of life. She is a lover of simple things and welcomes insights about her favorite things in the world-- Gabriel García Márquez books, poems, Full Metal Panic, Spanish language, low-tier humor, and validation time after time. Send her love at the linked social media accounts in this blog.

bottom of page