Para sa Mahirap
Mahirap ka lang.
Kaya huwag mong isiping
Malakas ka.
Ikaw ay kuto lamang sa lupang iyong sinasaka.
Hindi totoong
May abilidad kang buwagin ang sistema.
Ikaw ay alipin lamang
at
Walang kang karapatan tulad ng iyong mga amo
Huwag mong paniwalaang
Magiging kapantay ka nila.
Ibaon mo sa dibdib mo na
Ikaw ay mababang klase ng tao at
Hindi totoong
Mahalaga ka.
Ipaalala mo sa sarili mo na
Mahirap ka.
Talahuli: Ngayon, basahin mo ito nang pabaliktad.
Tala ng manunulat: Naging inspirasyon ng tulang ito ang Babae Ka ni James Glendon Pialago.