top of page

Anong Kulay ng Pag-ibig Ko?

Pula

Hindi, asul

Pero itim ba yun?

Dilaw yata

Pero pula, pula iyon. Sigurado ako.

Pula.

Kulay ng kamisa mo nang sinabi ko sa’yong mahal kita.

Nobyembre noon, naaalala mo?

Nasa jeep tayo, lasing galing sa inuman

Pero ako’y uhaw pa din sa pagmamahal mo.

Tinanong kita:

“Anong naramdaman mo nang sinabi kong gusto kita?”

Sabi mo,

“Ipinagpapasalamat ko.”

Asul.

Binigay ko ang buong puso ko

Nag-a-apoy at nagbabaga para sa’yo

Pero anong isinukli mo?

Yelo.

Wala kang binigay bagaman nararamdaman ko

Ang puso moy nag-a-asul sa lamig ng pagtingin mo.

Itim.

Blangko, walang laman, ni oo ni hindi

Bakante, walang saysay, kaligayahang nag-alisan

Hungkag, walang katuturan, ni pag-asa’y kalaban

Pakiramdam ko ang mundo’y walang katuturan

Dahil lang pag-ibig mo’y di ko makamtan.

Lila.

Ano pa bang gusto mo?

Nagsikap ako para pansinin mo

Nag-aral nang mabuti, nagpapayat, nagpaganda, nagpa-lahat lahat na

Pero pinili mo akong tignan sa kung anong hindi ako

Dahil bilang babae ako sa’yo

Ay ‘di pa sapat.

Pula. Ulit. Sigurado ako.

Kulay ng puso ko, buhay para sa’yo

Kahit iyong tapakan, ibasura, maliitin o laitin

Okay lang, basta ba ang martir na ito’y iyong ibigin

Pula, Asul, Itim, Lila, o kahit ano pang kulay

Pula pa din talaga ang magpapatunay

Na ang pag-ibig ko sa yo’y walang kapantay.

Related Posts

ABOUT THE BLOGGER

IMG_E8998.JPG

Athena Charanne R. Presto is the eldest among three children of a lower-middle-class family who refuses to limit herself. An early-career sociologist, she keeps herself wide-eyed with all the wonders, challenges, and surprises of life. She is a lover of simple things and welcomes insights about her favorite things in the world-- Gabriel García Márquez books, poems, Full Metal Panic, Spanish language, low-tier humor, and validation time after time. Send her love at the linked social media accounts in this blog.

bottom of page